Miyerkules, Enero 18, 2012

Hangin

Bagamat hindi nakikita,
Ika'y patuloy na nadarama,
Buong layang humahaplos,
at dumadampi sa aking pisngi,
Hindi ko lang malaman kung saan ang pinagmulan,
at kung anong lugar ang iyong kahahantungan.

Katulad ng landas kong tinatahak,
Maputik, mabato, masukal at matinik,
Walang tiyak na pupuntahan, at patutunguhan,
Dapat bang ipagpatuloy pa ang landas na tatahakin?

Pilit hinahanap ang kasagutan sa isipan,
Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan,
Ang wastong sagot na siyang nararapat,
Gayun pa man batid kong papanaw man ang buhay,
Puso'y patuloy na titibok, at diwa'y maglalakbay,
Patuloy na madarama ang dampi ng hangin sa buhay.

                                                                           Rikka Jane  L. Uzema                       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento