Miyerkules, Enero 18, 2012

ABBY

 Ako'y napaibig sa iyong labing kay tamis,
Sa kagandahang asal na nagdulot ng kalabis-labis,
Sa itsura mo palang, ako na'y nahuhumaling,
Sa iyong kalooban, puso ko'y hinubog ng pag-ibig

Sa pagtulog ko ay ikaw ang aking panaginip
Na namumukod tanging iniisip ko ay ikaw ang nasa aking tabi.
Lahat ng sakripisyo at pighati handang maranasan
Basta at makasama ka lamang.

Pagdilat ng mata sa umaga,
Ikaw lagi ang iniisip,
kahit alam ko'ng ika'y isang pangarap lamang,
Ibubulong ko nalng sa aking sarili, Mahal kita Abby.

             
                                                        John Mart Presores

Tayo ay Bahagi ng Daigdig

Itong Pilipinas ay isang bahagi
Ng ating daigdig na napakalaki,
Isa lamang tayo sa lahing marami,
Na may kalayaan at nagsasarili.

Ngunit walang bansang sa sarili lamang,
Kumukuha ng kanilang mga kailangan,
ang lahat ng lahi ay nangangabuhay,
At nagsisiunlad pagtutulingan.

Tayo'y bumubili ng sa ibang lupain,
At sila rin nama'y gayundin sa atin,
Bansang kahit na nga maraming kakanin,
Mga ibang lahi ay binibilhan din.

Sapagkat sa ating mga kagamitan,
Di lahat ay galing sa sariling bayan,
Kahit ayaw natin ay napipilitang
Ang ibang lahi ay binibilhan.


                                                         Bryan Lee Lingaolingao

Pilipinong Tunay

Pilipino ako, kayumanggi ang kulay,
Tubo sa Silangan, lumaki at nabuhay,
Aba man sa tingin ngunit kapuri-puri
Marangal kumilos pagkay siya'y hirati.

Kung ang kasipagan siyang pag-uusapan,
Sa maghapong gawa katawa'y ilalaan,
Ang gawaing bukid sakin nakapataw,
Di pansin ang maging init ng araw,

Loob ko'y matatag bathin ano mang hirap
Sa kilusang-bayan palad ko'y nakalahad
Tuon ang isip ko sa bayng pag-unlad,
Nang 'di inuuyam at hinahamak-hamak.


                                                                 Pierre Vincent Pedrosa

Naglahong Pag-ibig

Sana'y muli kong marinig,
Awit mong kay tamis at kay lamig,
Tinig mong sumasabay sa hangin,
Pag-ibig ang sigaw ng damdamin.

Sana'y muling sambitin,
Pag-ibig mong alay sakin,
Pangako mong 'di ako sasaktan,
Sana'y hindi ito malimutan,

Ngunit ikaw ay biglang nagbago,
Pinaluha't sinaktan ako,
Pag-ibig sa puso'y tuluyang naglaho,
Lubusang naparam pati ang pangako.

Sabi mo noo'y ako lang ang mamahanlin,
At tanging aawitan ng tining mong kay lambing
Bakit ngayo'y tila di ako nakikilala?
Pag-ibig ba sa aki'y sadya ngang nawala?

Masdan mo aking sinta,
Lumulua sa harap, at tigib ng dusa,
Binulag mo yanring mga mata,
Ako ba talaga'y wala ng halaga?


                                                       Sparkle Mirth Maluenda

Hangin

Bagamat hindi nakikita,
Ika'y patuloy na nadarama,
Buong layang humahaplos,
at dumadampi sa aking pisngi,
Hindi ko lang malaman kung saan ang pinagmulan,
at kung anong lugar ang iyong kahahantungan.

Katulad ng landas kong tinatahak,
Maputik, mabato, masukal at matinik,
Walang tiyak na pupuntahan, at patutunguhan,
Dapat bang ipagpatuloy pa ang landas na tatahakin?

Pilit hinahanap ang kasagutan sa isipan,
Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan,
Ang wastong sagot na siyang nararapat,
Gayun pa man batid kong papanaw man ang buhay,
Puso'y patuloy na titibok, at diwa'y maglalakbay,
Patuloy na madarama ang dampi ng hangin sa buhay.

                                                                           Rikka Jane  L. Uzema