Isang bagsak para sa mga huwad!
Isang tadyak para sa mga tamad!
Isang sampal sa mga natatamaan!
Isang papui sa bansang hangal!
Sabay tayong yumuko, at sambahin natin siya.
Huwag kang bumaluktot, dadambahi ka niya.
Kapag tumaliko naman ay tititrahin ka't iiwan.
At sa pagharap, ikaw pa rin ang nawalan.
Saang banda ba tayo tatayo?
Bakit ang lahat ay nakaupo?
Alin ba ang tama at mali?
Ano ba ang sukli ng aking napili?
Aangat pa ba ang bayang ito?
Pag-asa ba'y atin pang matatamo?
Di ko alam kong wasto ba ito,
Para sa akin, mali ang magpakaipokrito.
Mikee Shaine Namoc
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento